Tuesday, December 24, 2013

Dear bestfriend



Ang swerte ko kasi meron akong boy bestfriend. Hmm, siguro marami sa atin ang may boy bestfriend, pero alam kong hindi lahat meron. Ang saya magkaroon ng tulad niya. Bakit? Kasi less drama at walang kaplastikan. Nakikinig yan sa lahat ng drama ko. Kung may magawa man akong mali, makikinig siya sakin nang mabuti, iintindihin ako, ibibigay ang opinyon niya, at hindi manghuhusga. Ang malupit pa niyan, "a secret is a secret" ang motto niya. Pag babae kasi ang bestfriend mo, minsan may leakage na mangyayari, aminin niyo, totoo yoon. Wala ring arte 'tong lalaking to kaya hagalpak palagi sa tawa. Sa dinami-rami mang advantage ng pagkakaroon ng guy bestfriend, na hindi ko masasabi lahat, may katumbas naman itong disadvantage. Bukod sa mapagkamalan kang malandi, at pagselosan ka ng girlfriend niya, ang pinaka masakit na disadvantage para sa akin ay yung pagkakaroon mo ng unrequited love sakanya. Ouch yan teh! Swerte mo kung naging mutual ang feelings, pero pano pag hindi? Paano kung hanggang bestfriend ka lang talaga?

M O V E   O N 

Hindi naman lingid sa kaalaman at experience natin na napaka dali lang sabihin ng dalawang salitang nasa itaas, ngunit lubos na mahirap panindigan. Paano ka naman kasi mag momove on kung lagi siya andyan diba? Alangan naman umiwas ka bigla? Panget naman tignan nun. Pano pag ikaw yung bigla iniwasan? Diba masakit, kaya wag ka mang iwan sa ere kahit masakit. Eh, kung di pwede umiwas, anong gagawin? Maging masaya para sakanya. Pero, pucha, alam mo ba yung pang asar? Yun yung nakikita mo siyang nasasaktan dun sa babaeng mahal niya. Parang gusto mo nalang maging katulad ni Kim Chiu sa Paano na Kaya.



Wooooh, sapul ka ba? Ako kasi sapul eh. "Ba't hindi na lang kasi tayo? Ako, hindi kita sasaktan. Hindi kita ipagpapalit, hindi kita iiwan. Bogs, kahit sana minsan, kahit minsan, makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang. Bogs, tayo na lang. Bogs, akin ka nalang." Ang sarap mag paka Kim Chiu sa best friend mong mahal na mahal mo no? Kaso ang hirap mag take ng risk, kasi nasa isip natin na paano pag umiwas siya? Hahaha, na paano na kaya ka kapag ganun! (Korni) Haaay, lagi mo siya nakikitang nasasaktan sa ibang babae, tapos mapapamura ka nalang kasi binabaliwala lang nung iba yung pinapangarap mo. Tulad nga nung nauna kong sinabi, hindi lahat tayo maswerte na naibabalik saatin yung love na nararamdaman natin sa boy bestfriend natin. Wala eh, that's life. Tanggap lang. Mainggit nalang tayo sakanila. Pero girl, smile ka lang. Di ka man maging girlfriend, iba ka parin kasi ikaw ang bestfriend. Itaga mo sa bato na at the end of their relationship, sa yakap mo parin babagsak yan. Hihi.



Anyway, basta para sa akin, masaya na ako na dumating siya sa buhay ko at naging ganito kami ka close (sana ganun ka din). Hindi man dumating yung araw na siya'y maging akin, hinihiling ko lang na sana maging masaya kaming dalawa. At sana tumagal pa itong friendship na mayroon kami. Siguro siya yung masasabi kong soulmate ko.... kaya lang hindi siya yung happily ever after ko eh.

No comments:

Post a Comment